Monday, July 9, 2007

HINDI NA NGAYON

Hayper. Sariwa pa sa alaala ko, naisip ko lang bigla, yung sanaysay na pinaghirapan kong tapusin nung nasa First Year College ako ng Miriam. Isa 'yong panulat na matapang, galit, mapanumpa, at maraming nilalaman. Peor higit sa lahat, isa iyong panulat na nagpapahayag ng damdamin sa isang sistemang inakala ko di makatarungan.

Pero hindi na ngayon. Hindi ko na gusto pang balikan kung ano mang naganap. Hindi ko na nais pang halungkatin ang mga pahinang nagsilbing burador sa isang obrang natapos na tatlong taon na ang nakararaan. Kung tutuusin, ni hindi ko na nga maalala pa kung ano ang pamagat niyon, at wala na rin akong balak uriratin pa. Ang tangi ko lang natatandaan, isinumpa ko sa sanaysay na iyon na hinding-hindi ako mabubulok sa Miriam, na makakalipat ako sa eskwelahang pinagarap kong pasukan, dahil hindi pa tapos ang laban.

Pero ako na mismo ang tumapos sa pinasok ko laban. Ako na mismo ang pumarong sa malalaking ilaw na nakatutok sa higanteng arena na dati kong kinatutuntungan. Mula nang araw na nagdesisyon akong manatili, isang Nilalang na ang naging bahala sa lahat. At mula noon, hindi ko na namalayan.

Sino na nga ba ako ngayon, ngayong nasa ikaapat at huling baitang na ako sa kolehiyo, ngayong apat na taon na mula nang magpasya akong kunin ang tinatawag nilang "Alternate Route." Natatawa ako. Ttalong taon na rin pala akong sinuswerteng di magbayad ng tuition sa pagiging non-working scholar. Nalampasan ko na ang maging classrep ng pasaway na section 1 ng Entrep, at maging HR Manager ng Souv Shop nanilalait-lait ng lahat. Ngayon naman, inihahanda ko na ang mga anti-migraine pills ko sa pagdating ng araw na lilitisin na ako ng departamento sa tribunal at hahatulan sa makabagong Bagumbayan sa pagiging IVP ng SJE.

IVP? Talaga lang a. Parang hindi rin ako makapaniwala. Batid nglahat na hindi ito ang uri ng pulitikang ninais kong ipaglaban. Hindi na nga ba ko ang tahimik na batang
nakilala ng karamihan sa St. Scho? Hindi na nga ba kao ang manunulat na tinaguriang nilang "underdog?" Sa palagay ko, malayo pa rin sa "OO" ang kasagutan.

Ano na nga ba ang ibig kong sabihin sa "alternate route," at bakit pinagpalit ko ang UP sa Miriam? SImple. Ang ibig sabihin ko dun ay Entrep at SJE, at kaya ko pinagpalit ang UP sa MC ay dahil ngayon, naniniwala akong hindi lahat ng bagay ay kayang idikta sa'kin ng lipunan. Hindi ko alam kung swerte o malas pero nabubuhay ako sa panahong ang kahulugan ng "maganda" ay "maputi," ang "matalino" ay "cum Laude," ang "mayaman" ay "cellphone," at ang "magaling" ay "UP," "Ateneo," at "La Salle." Swerte man o malas, HINDI AKO NANINIWALA. May sarili akong depinisyon. Miriam? Bulok? Conio? Bobo? Hindi ako nag-MC para mapabilang sa libu-libong sa magagandang eskwelehan para pumasok sa call center. Isa itong paninindigan, isang pagtanggap sa hamon na kahit saan ka man manggaling,lahat ay tinatawag uoang
makapagbahagi ng ating sarili sa lipunan.

Sa pagbabalik ko sa realidad, hindi ko pa ri natitiyak ngayon kung saan pupulutin
pagkatapos ng Marso. Pero nakatitiyak akong nakatuntong tayong lahat sa iisang patag na
lupa. At nasa sa atin na lamang kung paano ito lalakarin at tatamnan ng binhing kikilalanin ng lipunan hanggang sa susunod na henerasyon. #

No comments:

TRY NIYO 'TOH!!! :D

Greenpeace online activist signup form
Your name

Your email address

Country of residence

Visit Greenpeace.org and help save the climate.