Saturday, March 24, 2007

Maikling Mensahe

Qui Multum probat ni hil probat.

Ang sinumang maraming pinatutunayan
ay walang napatutunayan.

Mane. Thecel. Phares.

Ang kapangyarihan mo'y tapos na.
Ang araw mo'y nabibilang na.
Ikaw'y tinimbang at nakitang nagkulang.
Ang kaharian mo'y mahahati:
nabibilang, tinimbang, mahahati.

--- Mga linya mula sa El Filibusterismo ni Dr. Rizal. Pag-isipan mo.

Friday, March 23, 2007

Poem number 2.

UMULAN KAGABI

Kagabi, umulan. Bakit ba tuwing malungkot ako, lagi na lang umuulan?
Dahil ba gusto Mong hugasan lahat ng masasama kong nararamdaman,
O dahil nakikiisa Ka sa dalamhating nararanasan?

Kagabi, umulan. Mahina. Dahan-dahan.
Bawat patak ng tubig naririnig kong tumatama sa bawat kadahunan.
Babagsak sa lupa. Maiipon. Aagos.

Kagabi, umulan. Naisipan kong gumawa ng tula,
isang awit na magpapahiwatig ng dala Mong Magandang Balita.
Pero malungkot. Di ako nakagalaw.
Pinakinggan ko na lang kung anong gusto Mong sabihin.

Kagabi, umulan. Malamig. Masangsang ang amoy ng lupang sumisingaw
kapag ika’y bumabagsak. Pero hindi ko na yun namalayan.
Sapagkat bagsak mo’y marahan,
wari bang damdamin ko’y pilit Mong iniingatan.

Kagabi, umulan. Matapos kong sabihin lahat ng hindi nararapat.
Matapos kong mapatunayang walang ibang nilalang ang makasasapat,
sa pakikinig Mo, sa palagiang pagdamay Mo.

Kagabi, umulan. Yumao ako, sa pag-asang ibang Ako ang gigising kinabukasan.
Pinatay ko ang damdaming magpapahina sa aking katauhan.
Binaon ko ang bawat alaalang ika’y pinagkatiwalaan.

Kagabi, umulan. At di ko na hahayaang maghinagpis Kang muli sa aking kasalanan.
Di ko na tutulutang mas marami pa ang makaalam---
Kung sino talaga ako, at kung anong uri ng karahasan ang hatid ko.

Kagabi, umulan. Ngayong umaga, naririnig ko ang huni ng ibong
pansamantalang nagkubli sa makapangyarihang mga Patak kagabi.
Ang ulang nakasadsad sa lupa ay unti-unti nang nagiging putik.
Mamaya, alikabok. Dadalhin ng hangin sa mas malayo pang Pook.
Nagtagumpay ako. Nagtagumpay ako. #

Wednesday, March 21, 2007

Multiple Personality Disorder. Ang Kwento ni Itim. Bow.


Siguro nga may sayad na ko.
I was scampering through my old papers the other day habang inaayos ang kwarto kong sinalasa ni Reming.
Mahilig akong magtabi ng scratch papers, where memories of my summer are written down. (I just started 2002, ang taong babalik-balikan ko habambuhay. Naks.) may mga kakulitan lang naming mag-utol, half-finished poems, almost-finished tabs and guitar riffs, song lyrics and titles, sketches, at iba pang kababalaghan--- things you woulnd’t know I do and keep.
Natagpuan kong nakaipit sa lesson plan ko nung 4th year high school (as a religion teacher sa isang public school) ang napakaraming papel na di ko maintindihan ang sulat. May date. Tapos paulit-ulit lang ang mga katagang: “The quick brown fox jumps over the lazy dog.” Ah, syet, sabi ko sa sarili ko. Naalala ko na. Nagsanay nga pala akong sumulat sa kaliwa kong kamay last summer. At sineryoso ko talaga, in fairness. Wala lang. I just wanted to see what’ll happen if I’ll utilize my right brain the same way as my left. Ok. In short, boring na ang pagiging kananete. Yun lang.
Within 2 months, I was able to write faster over time with my left hand. But unconsciously, I used my left hand automatically sa mga bagay na kanan ang karaniwang gumagawa. Pag bukas ng pinto, kaliwa. Pag walis ko, kaliwa. Pag balat ng gulay, kaliwa. Pero ok lang. cool nga eh. Pero malamang may epekto yan sa utak. At ngayon lang siya nagmamanifest.
My summer 2006 was a tough stage. Dun ko natutunang subukin ang mga bagay na hindi ko pa nagawa. At dun ko rin natutunang maging masaya sa kabila ng lahat, exactly at the dawn of Easter Sunday, after writing my “Black Saturday Essay.” It’s a very free feeling, the moment you tell yourself, “tama na,” and just lift everything to God. Or so I thought.
Ngayong nag-uumpisa na ang summer 2007 (or so I thought uleht), parang umuulit lang yung ibang pangyayari, at yung mga bagay na naramdaman ko dati, feelings I thought I overcame.
Kinulayan ko ulit ng itim ang pinky fingernail ko. I can’t really seem to find the perfect explanation why. Nung una nakita ko lang yun kay Marc Abaya e. Pero whenever I look at her (yung pinky fingernail. Matriarchal e, hehe), she looks underestimated among the five. Small and frail, fragile ang weak. Pero nagkaroon siya ng sariling tapang nung kinulayan ko siya. In her own way, she became so vigilant though still suppressed. Mukha talaga siyang jologs kung tutuusin, pero who the hell cares?
It actually took me a lot of guts bago magawa yun. you see, I was raised in a conservative family were make-up ang nail polish raise eyebrows--- lalo na kung pointless. But it was both weird and nice that my dad was able to get it halfway, at least.
Sa pagbabalik ni Itim sa buhay ko ngayon di ko maintindihan totally kung anong pwedeng mangyari. I feel so vigilant again, about the things na matagal na nating dapat ginawa. Nagsayang ako ng tatlong taon. Pero di ko na hahayaang madagdagan pa yun. Thanks to that one person who inspires me to do these things again. You’ll never know how much an impact you’ve been doing sa buhay ko ngayon, kahit di tayo close. Pinapaniwala mo’ko ulit na matapang ako, at may kaya pa tayong gawin para isalba ang sistema.
Di ko maintindihan minsan why you can’t get mad sa napakarami kong baluktot na katwiran at pagmamatigas pag nag-uusap tayo. Is it because I’m older (or so you think)? Or you simply refuse to take me seriously when I ask you na sermonan mo’ko? Ewan ko sa’yo. Ang labo mo.
Multiple personality disorder. Iba-iba ang ugali ko sa bawat hinihingi ng pagkakataon. Minsan depende yan sa tirik ng araw o buwan e. Pero mas madalas, depende yan sa kung anong klaseng tao ka. Sinasalamin lang kita. Tandaan mo yan.
Today, I’m hating. Just when I told myself I’d stop hating as a New Year’s Resolution. And I’m hating the very same person who I thought I owe something just last year, when we “lifted everything.” Hindi pala. I owe it solely to the wind. I was alone all this time. And it’s so embarrassing to realize that I was just forcing myself to other people’s lives. Hindi ko sinasadya… hindi ko sinasadya… babalik na lang muna ako sa pag-iisa…kasama si Itim

Tuesday, March 20, 2007

para lang sa'yo.

Oda sa Bituin ng Tag-araw
ni: isang Pilipino

Matanda pa sa siyensiya
Malayo pa sa abot na makakaya
Sa matiyaga mong paglubog at pagsikat,
Anong pagtanyag ba ang makasasapat?

Umaga’y katagang sadya mong inangkin
Liwanag, isinaboy, walang patumanggi
Sa lilim ng mabibigat na ulap, nag-antay
Kabigua’y binigo, unos nga’y pinatay

Milyong munting nilalang, binawian ng buhay
Karamdaman, din a umabot pa sa hukay
Bilyong munting patak ng tubig, tinuyo
Mayroon nang isinuot, linakaran, isinubo

Pangitaing dinadayo ng madla
Lungkot at tangis, di alintana kaypala
Ikaway mo ang sinag ng pamamaalam
Sa malamig na tubig ng agam-agam

Uminog sayo’t patuloy pang magaganap
Planeta at tao sa hinaharap
Hiram na ilaw, ang buwan umuutang
Sa pag-asang balang araw, ika’y masuklian

Sa tugatog ng bawat kabundukan
Binasbasan libu-libong palayan
Sa karahasan natatanging saksi
Malagim na alaalang di mo maiwaksi

Sa kalakhan ng labing ng kagubatan
Sinag, sinikap abutin ang kaibuturan
Sa pagitan ng uhilya namahinga, namalagi
Sa ginaw at dilim, walang pasubali

Ikaw ang nag-iisang sudlungan ng silahis,
Kanlungan ng alaala, pait, at tamis
Sa bawat paglingon at pagbabalik-tanaw
Tanging ikaw ang bubuhay sa gunita, Araw.

Ang araw.
Ang araw ang pinakamagandang salita
Sa diksyunaryong Pilipino;
Dalawa ang ibig ipahiwatig:
Una, ang ngayon.
Pangalawa, ang Bukas.

Sunday, March 18, 2007

Rock Ed Radio

School's over. Now it's time we get educated. Learn more about the things you don't know about our society. Listen to Rock Ed Radio, Sunday nights @ 8 starting April, only on the Home of New Rock, NU 107. Hosted by Rock Ed Philippines founder Ms Gang Badoy and Radioactive Sago Project's Lourd de Veyra. With music from Terno Recordings. Makialam. No more excuses, Philippines!

for more info please feel free to visit www.rockedphilippines.org

Something new.

isang kakaibang kaganapan.

ako'y bumuo ng blog
sa kabila ng aking pagka-pribado
at di pagbabahagi ng saloobi't agam-agam.

pagtiyagaan mo na.

baka sakaling may mapulot
baka sakaling may matutunan.

yeh.

TRY NIYO 'TOH!!! :D

Greenpeace online activist signup form
Your name

Your email address

Country of residence

Visit Greenpeace.org and help save the climate.