Friday, October 12, 2007

PAGLILINAW: BAKIT DI AKO PUMASOK NUNG ARAW NA YUN.

ngayung araw na 'toh ay araw ng Eid
at kaisa ng mga kapatid nating Muslim
nagdiriwang din ako
sa isang life-changing rehab.

epektib naman pala e.
kailangan mo lang mauntog.
gets ko na si Mark Anthony Fernandez
kung bakit pabalik-balik siya sa loob.

pero i'm sorry.
kasi whoever-the-devil-you-are
di nako uulit
di nako uulit

... ayus na intro. 3rd of my nonsensical and trying hard verse. dibale, Reader. maglalabas ako ng book of nonsense maybe months from now after i've undergone total rehab. mahirap naman sumulat pag bangag, right?

... ok dahil wala akong masulat, freestyle ulit. kala mo tatapusin ko na, noh, Reader? no way. you have to feel the agony of reading this freaking page dahil andito ka na rin lang naman. pero actually, may choice ka. kaya GO, if you have to.

... well you chose to stay. and i must not congratulate you for that kasi swear ang malas mo. kasi unlike any other blogs you read, mahaba itong mga entry ko. kasi nga, i never ceased to think. lahat ata ng bagay inisipan ko ng meaning e. kahit simpleng nakakalat na balat ng kendi sa tapat ng gate, nakikitaan ko ng meaning. bakit kaya? aba, tanungin ba ang di naman sasagot. ewan. di naman din ako psychologist. or should i say psychiatrist?

... alam mo Reader andami ko iniisip kaninang isulat dito pero ngayong kaharap ko na itong screen e parang naglaho lahat. hmmm.. recall, recall... tsk tsk tsk. sayang, ayus pa naman sana pang-asar. next time nga magdadala nako ng recorder anywhere para tiyak na di lilipad.

... pero aaminin ko, ang pinakamalaking palaisipan sakin nitong huli ay kung bakit araw-araw akong sumusulat dito, at wala namang nagbabasa? hmmm... ibig sabihin, hindi ako sumusulat para mabasa. marahil nga'y gusto ko lang ilabas.

... kaya ilalabas ko na. pero ano nga bang dapat kong ilabas? ok, no poems tonight. pramis. bukas na lang.

... huling tanong. naranasan mo na ba yung once in your life gumawa ka ng alam mong mali pero masaya ka kasi for the first time in your life, nagawa mong gawin yung inaakala ng lahat na di mo kaya? ampangit naman atang sabihing MASAMA, noh. di naman kasamaan yung ginawa ko, in fairness. but adjectives are relative.

... i'm kinda tired of the fact, or i must say the GIVEN FACT na isa akong sobrang matinong tao. because in truth I AM NOT! honestly. at ang mas nakakainis, ang mga stereotypes nila: na ako'y isang mabuting anak, kapatid at estudyante--- estudyanteng matulungin, maunawain, at masipag. to hell with those things. waw naman, sobrang kabaligtaran.

... kaya one rainy wednesday, i found the perfect chance to defy expectations. isa lang kasi subject ko nung araw na yun at 4:30 pa nga hapon. yah, i understand malapit lang ang katipunan sa marikina pero gets?? who the hell would bother wearing the uniform para sa isang subject na 1 and a half hours lang ang itatagal? wala namang importanteng mangyayari, anyways...as always. and as if the whole world conspired pa, walang SJE meeting ng umagang yun. and i found the perfect alibi. My scoliosis kinda attacked that morning. pero arond 1 pm, di naman na sumakit. so at 1pm it was a make or break decision for me. and my decision? I texted Sam and Maika: ei, masakit likod ko, can't come to business law class mamaya, di talaga ako makatayo. YOWN. with matching sad face pa yan. amp*tah. well to cut the long story short, ayun. inakala ng lahat na may sakit talaga ko. it was a clear case of fraud and malingering. hahaha. when in fact, the primary reason is, TINAMAD LANG PO TALAGA AKO. first time yun. dati kasi kahit bumabagyo at isa lang subject ko, ge, pasok lang nang pasok. but this time, i just felt like doing it. e sorry, mukhang mabait sakin ang mga pangyayari. but here's the catch. akala ko andami tatamarin. but it turned out na AKO LANG DAW ANG HINDI PUMASOK. nice one. talaga din naman. minsan ka na lang cu-cut nang wala sa lugar, wala ka pang karamay. hahaha.

... pero in fairness, dami ko napatunayan. una, na hindi ako ang iniisip nilang napakatinong estudyante. pangalawa, nakaka-guilty rin pala. it took me 3 days bago umamin kina sam at maika. and a month to everybody! hahaha. and third, na ipinagpalit ko ang pagsusulat sa simpleng academics. yup, the secondary reason bakit di ako pumasok is that i crammed my entry sa isang essay writing contest na the following day na ang pasahan. ewan ko. it was my last chance. but eventually wala ring nangyari. OK lang. at least masaya. it was an experience. AND I WILL NOT GUARANTEE YOU NA DI KO NA UULITIN YUN. evil me.

... ge na, tatapusin ko na 'toh. wawa naman mga pagal mong mata. haha. balik ka, a?

.. Thanks, Reader. :D

:D

No comments:

TRY NIYO 'TOH!!! :D

Greenpeace online activist signup form
Your name

Your email address

Country of residence

Visit Greenpeace.org and help save the climate.