Monday, October 8, 2007

PAG DI SA'YO, DI SA'YO TALAGA. REALLY??

freestyle ulit...

gusto ko lang humingi ng paumanhin sa dami ng mga taong nasasagasaan ko lately. ang init ng ulo ko... at di ubra ang medication ni rico blanco na "inom tubig, nood ng TV." malalim e. na kahit ako, di ko ma-dig.

ewan ko a, pero sa palagay ko talaga, pag di mo gusto ang isang tao, forever nang hindi... ay mali. minsan pala case to case basis din. pero more often than not, sakin, hindi talaga. parang line graph lang. ewan ko... labo talaga e. maunawain naman akong tao... haha, feeling ba? ewan. siguro ito yung part ng chinese horoscope ko na di ko na mababago kahit kailan. when i say it is, IT HAS TO BE IT. when i say ayoko, ayoko talaga. and it would take you blood and tears para baguhin yun. kahit presidente ka pa ng Pilipinas. o ng Amerika. di ako magpapatinag. pasaway ako e. sa tingin ko isang tao lang magpapabagsak sa'kin. at natitiyak akong di ko pa siya nakakaharap hanggang ngayon.

anu't ano pa man, eto na lang ang tula ko para sa'yo:

PATAWAD

pasensiya na sa'yo,
ikaw na di ko makasundo
pasensiya na sa lahat ng negatibong enerhiyang nasasagap mo
sa tuwing ako'y naririto

pasensiya ka na talaga,
taong di ko kayang maunawa
pasensiya na sa katahimikan at kaingayan ng damdaming di mo mahinuhap
sa tuwing tayo'y nagkakaharap.

Subalit ikaw ay wag mag-alala
dahil ika nga ng bayaning si Ninoy
"Di ka nag-iisa."
marami kayong gusto ko nang ihulog sa Kumunoy.

... what nonsense again.

... by the way... i seem to have been doing good in my rehab from that freaking drug... di pa rin ako nagbabago. madali talaga akong maka-get-over. manhid? nope. just practical. ayoko naman magpakagaga sa isang bagay na di naman ginagaga ang sarili niya para sa'kin, noh. angst na naman. tama na nga...


:D

No comments:

TRY NIYO 'TOH!!! :D

Greenpeace online activist signup form
Your name

Your email address

Country of residence

Visit Greenpeace.org and help save the climate.